Mahirap ipaliwanag para sa akin ang salitang nasa taas. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang DISKRIMINASYON? pero habang tumatagal lumalawak ang pananaw ko sa salitang iyan. Ayonsa mga napapnuodko sa telebisyon. Ang diskriminasyon ay , Ang hindi maayos na pagtrato sa isang tao o grupo ng tao. Sa sarili kong pananaw eto yung makahayop na pagtrato sa mga  OFW,black americans, sa mga koreano sa ibang lugar at sa sarili nating kapwa.

Last year, binigyan kami ng teacher namin ng isang project sa English. Kinakailangan naming humanap ng banyaga o foreigner, para mainterview,alamin ang tradisyon nila,alamin ang pangalan,address,cellphone number (kinuha kasi ng kaklase ko yung number ng isang gwapong koreano,gud luck na lang sa kanya.) at pera. Biro lang. Dito ko naramdaman na kahit pala sa sarili mong bayan pwede kang iwasan ng mga tao sa paligid mo. Ewan ko kung maituturing na diskriminasyon to. Itutuloy ko na ang kuwento ko ganito kasi yun.

Alas tres ng hapon, kinabukasan. Pumunta kami sa bf homes,Parañaque. Para maghanap ng maaambush. Balita kasi namin eh marami daw dung mga korean pag sapit ng gabi pero hapon kami pumunta. Nagbabakasakali na rin. May isa kaming nakita, mukhang teenager, nang lalapitan na niya, tinakbuhan ba naman siya. Tumawa ko umiyak yung kasama ko, Kasi sayang daw yung pagkakataon.

Alas sais ng hapon, dumadami na sila di na magkandaugaga ang mata namin sa kakatingin napakadami nila. Parang gremlins pag nababasa. Lumapit yung isang kasama ko sa isang koreana (may kasamang lalaki kapatid yata o boyfriend niya). Yes, Sa wakas nakahamba din kami. Kaso naalala ko yung sinabi ng teacher namin na one is to one daw.

Ayun simula na ng qouestion and answer portion..

Narito ang ilan sa mga natatandaan ko. Isinalin ko sa tagalog.

Classmate: Hello,pwede ba kitang mainterview para sa school project namin?

Koreana: Ok(pero mukhang ilang..)

Koreano: (parang nag aantay na may mangyayaring masama)

Ako: tingin niya samin mga kidnapper (pero bulong lang yan)

Classmate: Ok,unang tanong, anong pangalan mo?

Koreana: Blah.. BLAH.. BLAh.. (isipin mo na lang na yan ang pangalan niya)

Classmate: (Lista) Pangalawang tanong, pwede ka bang magbigay ng tradisyon sa inyong bayan? (binanggit ng kaklase ko ang tungkol sa poh at opoh na hindi niya naman ginagawa) Mukha kasing di maintindihan ng kausap niya ang pinagsasabi niya ehh..

Koreana: ahm, Ang pag galang namin sa mga matatanda sa korea ay sa pamamagitan ng pag yuko.

Classmate: Eto na ang huling tanong, Ano ang tingin mo sa mga pilipino?

Koreana: mapagmahal , mabait at nakakaintindi.

Classmate: salamat!

Meron ako narinig sa kabilang grupo (wag kayo magtaka kalahi ako ni piccolo) Oo, eto ang narinig ko..

Classmate2: ano ang tingin mo sa mga pilipino?

Koreano: ahm, ang mga pilipino ay bastos at mapanglait. (ang tapang)

Classmate2: Paano mo naman nasabi?

Koreano:  Kasi dati napadaan kami sa grupo ng mga kabataang pinoy. Naguusap kami nun sa sarili naming lenguwahe. Pero ginaya gaya nila kami at pinagtawanan pagkatapos.

Classmate2: Hindi naman lahat ng pilipino ganun.

Hanggang diyan lang ang sinulat ko kasi masyadong mahaba ang diskusyon nila. Para sakin tama ang koreano na yun pero di ko din masisisi ang pinoy sa ginawa nila, trip nila yun eh. Nakita niyo na ganyan talaga ang iba sa atin.  Makakita nang kakaibang tao, lalait laitin, makakita ng koreano gagaya gayahin. (minsan may ugali din akong ganyan). Pero sa palagay ko kwits lang ang nangyayari paikot ikot lang.  Mga pilipino minamaltrato sa ibang bayan. Pero kahit dito ganun at ganun ang nangyayari tayo pa rin ang lumalabas na api.  Sabi nga ni Jose Rizal, Walang maaapi kung walang magpapaapi“.  Parang yung nabasa ko sa libro ni Lualhati Bautista, Pinakita sa libro niya kung paano apihin ang tulad nating pilipino. Saan? Dito mismo, Sa sarili nating bayan. Pero pinakita rin dun na hindi lahat ng Amerikano masama, mababa ang tingin sa pinoy. Merong amerikano na Pantay kung tumingin sa mga tulad natin.

SA SUSUNOD PO ULIT!